Thursday, October 13, 2011

BLOGStory Series: Ulan part 1

By: JC Shin


“Lagi ka namang ganyan!” Isang malakas na sigaw habang sinasabayan ang ulan na umiyak.
“You make decision that I don’t know!” dagdag pa nya habang nakatayo sa park habang umiiyak ang kalangitan.
“Let me explain” Sambit ng kasama nya habang basang basa din sya.
“You don’t have to! And besides ako na lang ang lalayo!” Sabi nito sa kasama nya.
Tumalikod ito at tumakbo papalayo sa kasama nya, mabigat, masakit, at hindi pa din sya tumitigil ng pag iyak, hinabol naman sya ng kanyang kasama at pilit itong hinawakan sa braso at niyakap.
“Ikaw lang naman ang buhay ko, Don’t leave me alone” sabi nito.
“You just a bunch of stupid person na nakilala ko sa buong buhay ko! So, don’t pretend na you love me sincerely” umiiyak nitong sinabi sa kasama nya at kinalas ang braso na nakayakap sa kanya.
“Ken, don’t leave me please I Love-“ natigil ito nang naramdaman nya ang kamay nito na humampas sa kanyang mukha.
“JC don’t you see, we’re both the same, you’re a guy and I am too, I don’t see my future here! Just stay out of my sight! And I have plans in life, not like you!” humihikbing sambit ni Ken.

Tumakbo na si Ken papalayo sa park at hindi na nya nararamdaman ang sakit ng binti nito dahil sa nilakad nya papuntang bahay nila, tuliro, maga ang mata, dating masiyahin ngayon ay naging malungkutin at gusto laging nag iisa sa kanyang kwarto.
Lumipas ang mga araw at napansin nyang hindi na nagparamdam ang kaibigan nitong si JC o John Christopher tawag sa kanilang school.
Nasa HighSchool pa lang silang dalawa parehas nang Graduating and si Ken naman ay Running for Valedictorian, wala nang masasabi si Ken sa buhay nya ngayon maganda ang takbo ng buhay niya simula nung nag usap sila ng kanyang kaibigan, malimit silang nagkikita sa canteen pero hindi na ito yung dating napapansin ng mga kapwa classmates nila.

“Ken, bakit parang iwas ka ngayon sa kanya?” pagturo ng classmate kong si Dex.
“Wag nyo na lang muna kausapin si Ken Sariwa pa ang sakit nyan” pagtutol ni Anne
“Hey Ken binago na ang exam sa PE ah, are you aware of that?” sabi ni Karissa
Nagbugtong hininga at sinabing “Oo nga eh, pero kaya ko yan, I will try my best”
“Yan gusto namin sa’yo, lagi kang positive ang sinasabi, kahit na may problema” asar na sinabi ni Karissa kay Ken.
“Hah Hah, Tumigil na nga kayo, kain na tayo nagugutom na ako, ang tagal ng pila na yan, sino na ang bibili ng lunch natin basta ako, babantayan na lang tong mga gamit here!” sabi ni Ken at tumingin sa mga kaibigan nila.
“Ayaw mo bang makita yung may crush sa’yo?” biro ni Dex kay Ken habang natingin sa paligid.
“Aww.. Oo nga pala hinahanap ka nya kanina pa, sabi na lang naming na hindi ka lalabas kanina.” Dagdag pa ni Anne.
“Sino yung Prefect nating si Mam Remy? Hah Hah kayo talaga sige na nga sasama ako, basta walang kantyawan, babatukan ko kayo!” biro ni Ken na lang sa kanyang mga kaibigan.

Tumayo na silang tatlo at si Anne ang naiwan sa pwesto namin, kumuha na ng tray ang grupo ni Ken, habang nasa pila nakita na agad sya ng kanyang Prefect na si Mam Remy.
“Ken andito na yung sa inyo tinabi ko na, wag na kayong pumila” sabi nya sa amin.
“Thanks mam Remy, by the way why did you call me, may papagawa po ba kayo?” sabi ni Ken.
Matagal nang magkakilala na si Ken at si Mam Remy, parang nanay na turing nito sa kanya at ganun naman din ang tingin ni mam remy sa kanya, at nang nakita nya ito na sa isang exclusive school na pinapasukan din ng kanyang nanay-nanayan ay nagulat ito.
Kaya walang problema si Ken sa mga nambubully sa kanya.
At ngayong Council President sya, lahat sa kaniya ay nakatingin at ang ibang lower years ay hinahangaan ang ginagawa nya.

“May problem ka ba Ken? I feel na hindi kayo maayos ni Christopher, is there something na maitutulong ko?” sabi ni mam Remy sa kanya.
Napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan nya, “I can handle it Mam!” sabay ngiti lang sya, nakahinga naman ng maluwag si Karissa sa sinagot ni Ken.
“Okay it’s yours na yan, not mine, but if hindi mo na kaya, I am here to advice you ha?!” concerned na sinabi ni Mam Remy.
“Okay mam I understand, babalik na po kami sa place namin, baka magalit pa si Anne sa amin anag tagal naming pumila.” Sabay ngiti si Ken kay Mam Remy.
Umalis na silang Tatlo dala ang tatlong tray na halos mapuno na sa dami ng pagkain,
“Ang tagal ha?!” sambit ni Anne habang nakaupo sya.
“Sorry, Kinausap pa ako ni Mam Remy!” sagot ko sa kanya
“Ah ganun ba?” sabay tumingin sa dalawang kaklase nila.
“Uhm, Sige Kain na tayo! Sobrang gutom na ako eh!” Banggit ni Karissa sabay binigay ang spoon at fork sa amin, medyo mahaba ang lunch break naming kasi mabibilis kaming kumain.
“Guys ano sama kayo sa SC office? Tambay kayo dun, review ko lang yung next project at para may matanungan ako.” Sabi ni Ken sa kanyang mga kaibigan.
“Uhm, malapit yun sa faculty ah, baka mapagalitan ka ng Adviser mo? At diba andun naman yata ang Secretary at Vice mo! Nakakahiya” sabi ni Anne sabay tango na sila Dex at Karissa.
“Sino ba ang napapasa ng Plan kapag gusto nyong gumawa ng mga program? Diba ako? Eh sino naman ang nag aaprove at lumalapit sa Director diba ako? Sino ba kayo sa buhay ko? Diba mga kaibigan ko? At meron naman dun na space para sa mga visitor eh.” Paliwanag ko sa kanilang tatlo.
“Sige na nga basta hindi kami magkukulit dun, tapos excuse mo kami para matulungan ka namin sa papers mo.”Sambit ni Karissa.
“Nako Karissa palusot mo! Siguro tinatamad ka lang talaga ngayon, o gusto mo lang makita yung Vice nya si John Christopher, hah hah.” Asar ni Dex at biglang namula naman si Karissa sa sinabi ni Dex.
“Tara na at medyo paulan na ayokong madumihan ang damit ko! Wala pa akong damit, mamaya pa ako maglalaba.” Sambit ni Anne.

Umalis na kami sa may pathway at naglakad patungo sa SC office, nang nakapasok na kami, napansin kong wala pang masyadong tao sa kanilang mga tables, Tanging si Ken, mga kaibigan nito, Treasurer na si Alex, at ang kanilang Auditor na si Rachelle.
“Wala pa namang mga tao, Dun muna kayo sa Table ko, kunin nyo na lang yung mga upuan dyan, pagdating na lang nila ibalik, ano kaya ang nangyari?” sambit ni Ken sa kanyang mga kaibigan.
Inabot na ng Treasurer at Auditor ang kanilang mga report sa akin pero hindi ko tinanggap kasi wala pa ang secretary, pinaiwan na lang sa table ng secretary yung report nila.
“Wow parang Boss ah!” Biro ni Dex kay Ken.
“Ganyan dapat kapag hindi mo role wag mong kunin, sya help me na basahin at ipareview ko sa inyo at bahala na kayong mag recommend.” Sabi ni Ken.

Narinig ni Ken ang pagpatak ng ulan.
Nakaramdam nanaman sya ng pagkalungkot at hindi nya napansin na pumatak din ang kanyang luha sa mesa nya.

Natigilan sila nang marinig si Ken na humihikbi, pero hindi na ito pinansin ng mga kaibigan nya, alam naman nila na pagagalitan nanaman sila kapag pinansin lang sya.
Narinig naman ng tatlo nyang kasama na may papunta dito, inimis ang mga papel at binalik sa table ng kaibigan nila.
Kumatok muna ito at pumasok nagpagpag ng sapatos, pinalitan nya ng puti ang kanyang itim na sapatos, nagulat naman sila dex at karissa kung sino ang pumasok, ang Vice President na si John Christopher, hindi na lang nag react si Anne kasi alam nyang may hindi pagkakaunawaan sila ni Ken.

“Guys alis muna tayo baka may meeting ang dalawa” sambit ni Anne sa dalawa at walang reaksyon silang pumayag,
“Uhm, Ken mamaya na lang papasok na muna kami sa room, hintayin ka na lang namin dun okay?” sambit na lang ni Anne at napansin nilang tinaas lang ang kanyang kamay, senyales na naintindihan nya ito.

Lumabas na ang tatlo at napansin naman ni Ken na nagbago na si JC, humihikbi pa din si Ken, napatayo si JC at pumunta sa pintuan, naglagay ng Note sa Labas na may Meeting ang dalawang officer, nilock ang office nila, napansin nyang namumugto ang mga mata ni JC at si ken naman ay patuloy na pag hikbi.

“Kamusta ka na?” malungkot na banggit ni JC sa kanyang kaibigan
“Hindi pa ako ayos” sabi ni Ken sa kanyang Isip,
“Okay lang may pumasok lang na alikabok sa mata ko, tapos hindi pa ako nainom ng tubig kaya sinisinok ako!” Hikbing sabi ni Ken.
“Hindi mo ba ako tatanungin?” sabi ni JC sa kanya at humarap na ito.
“Ano itatanong ko?” sabi ni Ken na parang hindi man lang nag isip.
“Wala! Sige na po Mr. President Go to your class na, ako na pong bahala here.” Sagot ni JC at hindi naman pinakita ang kanyang mukha.
“Uhm, okay I will take this reports paki sabi na lang sa akin mamaya kung ano ang progress sa upcoming JS Prom.” Sabi ni Ken na may pagka professional.
“Yes Mr. President” Sabi lang nya at hindi pa din naharap kay Ken.
“Oh maalala ko pala Happy Birthday John Christopher” banggit ni Ken at biglang nagulat sya!
“Same to you Mr. President!” banggit nito sa dating kaibigan.
“I have to go, maya na lang paki sabi sa ibang officers na ipasa na ang report for the upcoming JS”
“Yes Sir”

Umalis si Ken sa Office at pumasok na sa room, nakita nyang nag uumpisa na ang class nila sa Math kaya habol hininga sya sa pagpasok.
“Oh Ken why are you late?” sabi ng kanyang teacher
“Hinintay ko pa yung Vice ko po” sagot ni Ken.
“Ah, okay have a seat now!” utos ng kanyang teacher.
Natapos na lahat ng class nila, isa na lang ang gagawin nila, yung meeting.
Nagpaalam si ken at lumabas muna ito ng classroom at kinuha ang papers na irereview niya.

Sumunod naman sila Dex sa kanya, pumunta sila sa tambayan ni Ken, nakita nila na seryoso ito kaya hindi na lang sila nagpakita at napansin nilang dumating si Christopher dun kung saan si Ken nakaupo, hindi nila maintindihan kung ano ang pinag uusapan pero kinakabahan sila para sa kanilang bestfriend.

*********************************************************************
“Bakit malamig ka na sa akin? May ginawa ba ako para magselos ka?” Tanong ni JC habang binabasa ni Ken ang papers
“Wala gusto ko lang tuparin ang pinangako kong magtatapos akong valedictorian” at tinignan nya si JC at bumalik ulit sa pagbabasa
“So, ganun na lang? Hindi mo man lang I open sa akin kung anong nangyari sa ilang buwan na pinagsamahan natin?” sabi ni JC at tumingin lang kay Ken.
“Maybe gusto mo na talagang malaman right? Sige sasabihin ko sayo! Ayokong malaman nila na mahal kita ayokong masira ako sa school na ito, at huli ayoko sa taong mabait!” nanginginig at namumugto ang kanyang mga mata, napatigil naman si JC at natulala.

******************************************************************

“Guys I want you to know na malapit na ang JS prom ilang days na lang at wala pa tayong na oorganized na gagawin, saan ang venue, ang cater, ang photographer, souvenirs? Wala pa tayo! Guys Gising na tayo! Need na nating magpagod na here.”
Sabi ni Ken na biglang nagbago na ang kanyang aura nung mga oras nay un, talagang nagalit na sya, pero hindi yung galit na galit.
“Sir, May I suggest sa hotel tayo! I have a friend na pwedeng I reserve yung rooftop nila, complete na yun, sound system, lights, tapos may mga valet parker at mga sasalubong sa mga kasali” sabi ng secretary ni Ken na si Andrei

“May I suggest yung photographer naman ay ang Estanis Team, kasi nanalo po ako sa Contest nila, 1 year free coverage lahat” sabi naman ng PRO ni Ken na si Alaine

“Okay naman pala eh, o sige ganito, Andrei we need to go there, and Alaine with Christopher, kumuha na kayo ng mga samples, para maipasa ko na sa director, at para ma reimburse ang ating ginastos.” Sabi ko at napatingin sa akin si JC

“Representatives will be the Ushers sa event, Auditor and Treasurer kayo magtatago ng mapag gagastusan I need that sa report ko para sa Annual Report natin sa taas!, Ayokong patanga tanga dun sa event, gusto ko kahit nag eenjoy kayo, maging alert sa mga unexpected happenings is that clear?” parang boss ang status ni Ken sa mga oras nay un,

“any other suggestion pa?”
at tumaas ang kamay ni Rachelle ang kanilang auditor,
“Sir, pano po kung may bibiling outsider and sasabihing chaperone sila ng student here, what we will do?”
hindi na lang muna umimik si Ken at nagulat na lang sya nagsalita si JC,

“Maybe I suggest na double the rate than the students, madali namang malaman kapag outsider yun or not, kaya nga may ushers tayo!”
wala nang sinabi si rachelle at nagpatuloy na kami mag meeting, natapos na naming ang meeting ng 5pm.

Nakita ni Ken na nagvibrate yung phone nya, may tumatawag..
“Hello?”
“Nagawa mo na ba?” isang matandang lalake ang nagsasalita, Tatay pala ni JC
“As you said tito nagawa ko na po!” nanginginig na sabi ni Ken
“Dapat hindi nya malaman ito na pinapalayo kita sa kanya or else” banggit ng tatay ni JC
“I know where to start tito, kayo din wag nyo na akong guluhin sana po makatuloy na kayo sa Japan after we graduate ni JC” Banggit ni Ken sa Dad ni JC
“I know hijo, forgive me, hindi ko lang kasi matanggap ang naging situation between you and JC I don’t know what to do with him, I arranged everything okay, so don’t worry, you will have my reward by next week!” banggit lang ng dad ni JC habang naglalakad si Ken.
“Ingat po kayo tito, wish you safe travel with him, at malapit na din naman ang end of school year kaya, you don’t need to worry, lumalayo na ako dahan dahan.” Banggit ni ken at binaba na ang phone.

Bumilis ang mga araw ni Ken at JS prom na, Simple at elegante ang porma ni Ken, dun na din sya natulog tutal ay hotel naman yun at nag check in sya para sa araw na yun, pinadala ang mga susuotin nya mamaya, andun na din ang mag aayos sa dalawa nyang kaibigan, kaya no worries sila anne at karissa at sila naman ni dex ay cool lang, pumunta ako sa rooftop at nagcheck if complete na ang gagamitin, ayos na ang lahat hinihintay naming ang oras, pumunta muna kaming apat sa spa sa may lobby at dun nagrelax kaming magkakaibigan.
“Guys I am happy kahit papaano ay kompleto pa din tayo!” sabi ni Ken sa mga kaibigan niya.
“Yeah as long as naiintindihan natin ang isa’t isa wala namang mawawala talaga” sabi ni Anne habang minamasahe,
“Oh ang drama nyo, baka pumangit tayo!” pabirong sambit ni Karissa
“Shit after JS isang exam na lang at Graduation na, mamimiss ko kayo, I am going abroad to finish college!” sabi ni Dex na medyo malungkot ang tono ng pagsasalita.
“Lessons Learned: keep in touch, kahit na magkakalayo tayo!” sambit ni Ken.
“Mamimiss naming yang sinasabi mo Ken” sabi nila ng sabay.
Bumilis ang oras at mag uumpisa na ng Program, nakita kong nakagayak ang lahat at, nagsalita na ang emcee para umpisahan ang traditional dance.

Natapos na ang program si Ken ang nag close ng program at napansin nyang masaya ang buong 3rd year at 4th year kaso yung mga officers ay nalulungkot kasi magpapalit na ng officers next school year,

“Kuya Ken mamimiss ka namin!” sabi ng ibang officers
“Ano ba kayo, I will visit you and be sure na may makakapantay sa husay at galing ko sa pagiging leader” biro ni Ken sa kanila.
Nag party na ang lahat, upbeat ang lahat ng songs tapos maya mya full love songs na ang pinatugtog, nakita ni ken na masaya sila sa mga partner nila, kaya umupo na siya at nagpahinga.
Uminom ng wine at pinagmamasdan ang mga schoolmate at classmates niya na nagsasayaw, tinapik siya sa balikat at napansin nya isang grupo ng girls na pumunta sa kanya.
“Kuya Ken sayaw mo naman kami oh, last year mo na, mawawala na ang crush namin!” sabi ng mga 3rd year girls,
kaya tumayo siya at isinayaw ko sila isa-isa, napansin din naman ni Ken si JC na sinasayaw din ng mga 4th year girls nagngitian lang ang dating magkaibigan, at maya maya pa ay biglang lumapit ni JC sa lugar kung saan si Ken,
Pero ngumiti lang sila parehas, tinapos nila ang party at nagsalita ang Director ng school.
“May I present this award for the full effort that he gave to the school and his schoolmates to all his hardship now is the end of his career as the council president, Mr. Ken Chan, we will acknowledge all of his officers who supports their leader”
Tumayo si Ken at Lumapit sa director pinalakpakan sya ng mga tao at pinuri sya ng mga teachers na andun sa event, at nagbigay ng speech siya sa harap ng mga junior at senior.
“In behalf of team Council Manila, I would like to thank the administration for supporting our events and for being there whenever we need them”
Malakas na palakpakan at may konting nalulungkot sa pag tatapos ng team nila Ken, at nagbigay na ng mga awards sa mga nanalong JS prom king and Queen.

Natapos ang gabi na may ngiti sa kanyang isipan, hindi na sya nangangambang matapos na itong isang  buwan na paghihintay, at nang natapos ang JS nila ay subsob na siya para sa mga exams nila, nauna ang graduating mag exams at unang set of exam ay PE Physics at Math kaya nag review sya.

Kinabukasan ay napaaga sya sa school, nag ayos na ng report at nilinis na ang mga tables, tinanggal isa isa ang name plate sa mga table nila at nilagay sa isang kahon.
Pinasa na nya ang Last report para sa susunod na school year.
Napirmahan na lahat ng clearance nya at ready to fight na ang eksena.
Pumunta sya sa School Gym at kumuha na ng exam nang dumating na sa gym, pinapunta sya sa Stage at naglakad.
“Great Job Ken, now ready for tonight para sa presentation nyo? Dadating ang mga friend ko from different industry!” sabi ng kanyang PE teacher.
“Yep, even though na kinakabahan po ako! I can do it!” positive nyang sagot sa teacher nya.
“And by the way, yung magiging concept is judges ang mga visitor, then you all have 3 types of what you all wearing, formal, casual, at your favorite clothes, paki announce sa lahat ng graduating students yan!” sabi ng kanyang teacher habang inaayos ang stage for their presentation.
“Sayang Miss hindi ko na kayo matutulungan kasi nag surrender na ako ng report e.” mahinang sagot ni Ken.
“It’s okay lang, and I am sure na makakapasa ka dito, sana galingan mo pa para makuha mo ang valedictorian spot.” Sagot ng teacher nya para ma-motivate.
“Alright, I have to go now miss, I will tell the representatives of our year para sya na ang mag explain sa iba, and what time again is the performance?” sabi ni Ken at halatang excited na sya.
“Exactly 7pm the call time is 5pm then it’s ready to dish out!” sabi ng teacher na sarcastic ang expression.
Umalis na sya at tinawag ang kanilang PRO si Alaine at tinawag din nya ang 4th year Representative na si Josh, inexplain ni Ken yung mangyayari, at naintindihan naman nung dalawa, agad namang nagtungo yung dalawa sa bawat classrooms para mag announce ng kanilang gagawin sa PE test nila, after nun, they finished all their examinations, tinapos na nila lahat hanggang 1:30pm.
Nag uwian na ang mga graduating students para sa last examination nila para malaman na kung sino ang magiging Batch Valedictorian, umuwi si Ken at nagpahinga ng konti, tinawag ang maid at humingi ng tulong para sa kanyang damit, pinakuha nya yung pang formal attire nya, casual attire at yung favorite nyang attire na shirt at semi fit pants.
Umalis sya agad sa bahay at ginamit na ang sasakyan para hindi na ma-traffic sya pagpasok sa school, gumamit sya ng shortcuts at after 2 hours ng byahe, nakarating na sya sa School.

********************************************************************************************

Ilang minute na lang at mag uumpisa na ang program, lumapit sa kanila yung teacher nila at nagbigay nang instructions, mauunang lumabas ang section nila JC bago sa kanila kaya medyo nagrelax muna sya.
Nag umpisa na ang tugtog, tinawag na ang section nila JC the same routine ang mangyayari, boys first before the girls, naglakad na ang lahat, nagmamadali naman si Ken para I fresh ang sarili at sinalang na sila sa Stage, pang huli si Ken sa list kaya inayos nya ang kanyang mukha at katawan, kinakabahan na sya, at nang tinawag na sya, lumabas ito at nagbigay ng magandang ngiti, madaming nagtiliian sa crowd, at napatitig sa kanya ang mga jurors, tapos na ang individual ngayon naman casual hanggang sa favorite suit nila, natapos yun at wala lang sinabi sa kanila ang teacher nila.
“Guys say we hang out?” sabi ni Dex
“Yeah last day na pala natin to, hindi ko alam na kaya palang gawing 1day ang examination” sabi ni Anne
“Ken ano are you In or Out?” tanong ni Karissa.
“Sure im IN!” malakas na sagot ni Ken
“Uhm, JC?” hindi pa tapos ang tanong pero alam nila na hindi na sya sasama.
----------------------------------------------------------------------------
“Where are we going?” Sabi ni Anne habang nakasakay sa sasakyan.
“Say we hang out sa Bar?” sabi ni Dex habang tinatanggal ang kurbata nya.
“Bawal pa minors sa bar, baka hindi tayo papasukin dun, sayang naman ang porma natin!” hinayang na sagot ni Karissa.
“Say we go to a restobar dun pwede tayo at in fact pwede tayong mag inom dun, ano game?” sabi ni Ken habang sya ang nagddrive.
Agad namang tumango sila at pumunta na kami sa isang kilalang mall at sa dulo nun ay may isang halera ng restobar namili na lang sila kung saan sila papasok.
“Here! I got one” sabi ni Karissa at pumasok kami sa bar.
“Okay order na ng foods and drinks” sabik na sabi ni Dex

Dumating na ang order nilang Sashimi at mixed sushi set tapos ilang bote ng beer,
“To College!” malakas na banggit ni Ken sabay tinaas ang kanyang bote.
“Cheers!!” sabay sabay silang nagtaas at uminom na hanggang sa makuntento ang kanilang katawan.

(itutuloy)

Wednesday, October 12, 2011

Kung Kaya ko lang! (part 2) By: Soul of Tears

 Si Joshua Michael Tan, 17 years old, fair complexion, makulit, and attractive ang kanyang personality, sya ang taong hindi nawawalan ng sasabihin, he’s a kind of person that you love to know.
Malinis ang kanyang appeal kaya hindi naman ito hirap sa pakikipag kaibigan.
Sa kanyang physical attributes wala naman masasabi sila because he’s the campus crush, but there’s something in his system na hindi nila alam...

He’s a discreet bisexual!
Nagkakaroon man sya ng kaliwa’t kanang Girlfriends, pero para sa kanya he think na hindi pa din sya masaya until he met Joyce (twin sister ni Jake), at dun nakita nya ang ‘siguro’ magpapakaba talaga ng todo sa puso nyang naghihintay.

‘I saw an angel!’ sarkastikong biro nito kay Joyce.
‘Where?’ sabi naman ni Joyce na parang sinakyan ang ‘trip’ ni Josh.
‘You!’ tinuro nya si Joyce habang nakatingin lang si Joyce sa kanya.
‘Funny! Hah hah and why do you think I’m an Angel?’ sabi ni Joyce sa kanya.
‘Just what I saw is true! I swear!’ sabi ni Josh habang naka patong ang palad sa dibdib nya.
‘Hah hah, sorry don’t have time to be your angel, me and my brother is focusing on our studies.’ Sabi ni Joyce sa kanya habang nakatingin pa din sya dito.
‘Oh~!’ parang nasakluban ng langit at lupa si Josh nung narinig nya sa isang babae yung mga katagang iyon, hindi pa sya napapahiya sa mga banat nyang nakaka kilig, kaya ngayon lang sya nakaramdam ng pagtanggi.
‘By the way I’m Joyce! You can call me JC na lang.’ sabi ni Joyce
‘uhm, JC?’ awkward na tanong ni Josh sa sarili nya.
‘Yep, don’t think na Lesbian ako, kasi I am straight girl, and I have my twin brother, I think tapos na yun ng class nya sa advance class nun’ sabi ni Joyce at ngiti lang ang naisukli ni Josh.
‘Oh~! Teka kayo yung Twin na sabi nila na parang ‘gemini?’ gulat na tanong ni Josh sa kanila.
‘Oh well- we are just like that, I am friendly, pero si Jake naman ay hindi Nerd sya!’ paliwanag ni Joyce sa kanya.
‘Like Castor and Polloux! Cool ha!’ manghang sabi ni Josh habang si Joyce naman ay nakatingin na sa kanyang phone kasi nag ring ito.
‘Uhm, if you want to be our friends ni Jake it’s okay lang, But-‘ natigilan sya nang nakita nya ang text ng kanyang kapatid.
‘Sure no worries naman yun para sa akin, friends lang pala sige siguro mapili ka sa kaibigan no?’ nakangiting sabi ni Josh kay Joyce.
Tanging ngiti lang ang nasagot ni Joyce at nakuha naman ni Josh yun!

Matalino, mabait, at campus crush yan ang napapansin ni Joyce kay Josh pero sa kanya, wala itong pakiramdam na magugustuhan nya ito kasi wala pa naman sa isip nya na makipag relasyon.
Madaling nakapag palagayan ng loob ang dalawa hanggang sa dumating na si Jake.
Biglang kinabahan si Josh ng todo, hindi nya alam kung ano yung nakita nya, ito na ba yung sinasabi nyang ‘Angel’ na makakapag patibok ng puso nya?
Pero sa tingin naman ni Josh ay calm naman si Jake at sya na ang naunang magpakilala sa kanya.

Naging maganda na takbo nila sa unang araw pa lang ng pasok, naging kaibigan na ni Josh ang twin-next-door na itsura nila Joyce at Jake.
Umakyat sila ng hagdan patungong 2nd floor papunta sa cafeteria at humingi ng favor si Jake kay Josh pero naudlot ito kasi napapila na silang tatlo,
Nang makaupo na sa isang vacant na table, tsaka naalala ni Josh na may hinihinging favor si Jake.

‘Jake ano nga pala yung favor na sinasabi mo?’ tanong nya sa kanyang bagong kaibigan.
‘Would you mind if you and I go and hang out for a bit, hindi ako cool as you think, books and notes lang ang alam ko, hindi katulad ni JC na masaya, she have many friends.’ Sabi ni Jake na natulala naman ang kanyang kapatid sa narinig at hindi makapaniwala na sya ang magsasalita nun.
‘Deal yun lang naman pala eh, kelan naman to?’ tanong ni Josh habang nakatingin kay Jake.
‘uhm, after class I think? Don’t worry ako ang ‘taya’ as I heard sa mga tao sa house namin.’ Sabi ni Jake at ngumiti sya kay Josh.
Biglang nawala si Josh sa realidad nang makita nyang ngumiti si Jake,
‘ang cute nya!’ sabi ni jakes a isip.
Lumilipad ang isipan nya nang tapikin sya ni Jake at binalik sya sa realidad.
‘Josh are you with us?’ tanong ni Jake sa kanya.
‘Yeah may iniisip lang ako’ sagot ni Josh sa kanila.
‘Let’s eat’ sabi ni JC sa kanila at sabay na silang kumain.
Natapos na ang break ng kambal at si Josh naman ay kasabay nilang bumaba.
‘So where’s the meeting place?’ tanong ni Jake kay Josh.
‘Uhm, sa may 3rd gate na lang, may bench dun.’ Sabi ni Josh habang sinusundan naman ni Jake ang kanyang kamay kung saan yun.
‘Okay! See you later Josh!’ sabi ni Jake at hindi pa din makapaniwala si JC sa kanyang napapansin kay Jake.
‘Jake, would you mind to tell me something, it’s just weird e, kanina sabi mo you’re always alone, and then mayavmaya after your advance class naging ganyan ka na, what’s the motivation para bumalik yung ngiti mo?’ tanong ng kanyang kambal.
‘Let’s just say, may bumato sa ulo ko at na realize kong hindi dapat gawing serious ang mga bagay bagay, we can manage our studies, but we cannot manage our true Happiness.’ Sabi ni Jake habang papa akyat sila sa Locker area.
Nang nasa locker area na sila ni JC ay napansin nyang may unusual thing na nakalagay sa kanyang locker door ulit, isang card at isang piece ng white rose.

Dear Cute,
I am happy nakuha mo yung card na ginawa ko,
Nakita kitang ngumiti sana para sa akin yun, pero hindi ako nag aassume na magustuhan mo ako, I love you because I care for you, hindi ako titigil magsulat para sa’yo, matured na ang isip ko para sa’yo pero ngayon ko lang hahayaang maging baliw ito, it’s all because of you.
I sent you a white rose symbolize purity and truth, ayokong maglagay ng bouquet kasi baka mahalata naman ako, kaya isa lang.
On your way to your next class na ba? Sige study hard, one of this day you will meet me.
‘Unknown-‘ lumingon ulit si Jake sa kaliwa at kanan at wala syang nakikitang posibleng naglagay nun, nagbugtong hininga na lang ito at napansin naman ni JC na natulala si Jake sa harap ng locker nya.
‘Is there’s anything wrong brother?’ worried na tanong ni JC sa kanya.
‘Uhm, what do you feel kapag may suitor ka?’ tanong ni Jake sa kapatid nya.
Last semester kasi laging puno ang backseat dahil sa mga gifts and flowers na natatanggap nya everytime na pupunta sya sa locker room.
‘Uneasy but Happy, why? May suitor ka?’ pabirong tanong ni JC sa kanyang kapatid.
Tinignan nya yung kamay ng kanyang kapatid at napansin nyang may hawak tong white flower, at sa kabila naman ay hawak naman ay yung card.
‘Oh My-‘Shock na expression ni JC sa kanyang kapatid.
‘May suitor ka nga brother, kaya pala nagpapasama ka kay Josh para mag chill muna sa pagiging nerd, alam mo kung makikita ko yang tao na nagpabalik sayo ng sigla, I will thank him or her.’ Masayang paliwanag ni JC kay Jake.
‘Uhm, can we go now?.’ Yaya ni Jake sa kapatid nya.

At pumunta na sila sa room ng last class nila, nakita nanaman ng mga classmate nila na sabay silang pumasok, at nung tumingin si Jake sa group of girls ngumiti ito at lahat ng girls nag giggle, si JC naman medyo hindi pa din nakaka cope sa environment, pero she try to smile the guys at lahat naman ay bumawi ng ngiti, umupo sila sa last row kung saan dun ang favorite spot ni Jake, at dumating na ang Professor nila, medyo easy going person naman pero nakita ng professor nila na they’re not in order, so, pinatayo ang lahat, at arranged ang mga student as of their last name. buti na lang ang magkapatid ay nasa 3rd row medyo hindi nagustuhan ni Jake kasi sa dulo talaga nya gusto pero okay lang kasi katabi pa din nya ang kanyang kapatid.
‘That is your seat for my subject, understood?’ sabi ng kanilang professor na may halong strict.

Wala namang umimik sa kanila, then nag umpisa na magturo professor nila,
‘Class we have a recitation today so when I call your name, answer my questions.’ Kinabahan ang lahat at naramdaman nila Jake at JC ang kaba ng mga classmates’ nila.
‘Shit hindi pa naman ako nakinig’ pagkakarinig sa kanyang katabi.
‘Jake can I borrow your notes?’ sabi ng katabi nyang Guy.
‘Sure’ sagot lang ni Jake at ngiti lang ang ganti ng classmate nya.
‘Ms. Yap?’ tawag ng professor nila, at tumayo si JC sa harap ng seat nya.
‘What is the basic fundamentals of strategic marketing?’ tanong ng Professor nila.
Nasagot naman ni JC ng tama, at dun napatingin ang lahat sa kanya.
‘Mr. Yap?’ pagtawag nya kay Jake.
‘My question is the rules in dealing a supplier are? Enumerate and define them.’ Medyo pressured si Jake pero hindi sya nagpatalo sa kanyang kambal, sinagot nya ng accurate at tama sa tanong ng kanyang professor, lahat napatigil sa kanilang dalawa at pati ang professor nila ay namangha sa pinakita ng kambal.
‘Stand up Ms. Yap kayong dalawa ang napipisil ko para maging representatives ng 1st year sa annual Business Strategy Contest, if you win this, you will be our school representative para sa national, and the most prestigious International Contest.

Wala namang imik ang dalawa, ngumiti lang sila at sabay na umupo, at nag simula ulit na tumawag ang kanilang professor.
‘Cool!’ pagkakasabi ng kanyang katabi.
‘wala yun, masipag lang kami magbasa.’ Humbled words ni Jake.
‘Oh, By the way my name is Alexander but you can call me Alec’ pakilala nya kay Jake.
‘Nice to meet you, you know naman name ko, and here’s my sister JC’ pakilala nya sa kanyang kapatid.
‘Yep rumors are true, parehas nga kayong cute!’ pagsasabi nya at bumalik ulit sya sa pagbabasa ng notes ni Jake.

Wala namang pansinan ang dalawa nung nagsusulat sila, kahit si Alec na newly acquaint friend ay napansin ito.
Natapos na ang last class nila, si JC at Jake ay magkasabay na pumunta sa Locker then kinuha ang mga morning shift books para pag aralan sa bahay nila.
Nakisabay na din si Alec kung saan magkatabi lang sila ng locker ni Jake.
‘So, dude any girlfriend?’ tanong nito kay Jake at natawa lang naman si JC sa kanya.
‘My only obsession are books and my notes, I don’t have any girls.’ Sabi ni Jake habang sinasara na ang kanyang locker.
‘Can I join to your company? Jake? JC?’ tanong ulit ni Alec sa kanila.
‘No worries pero iwan ko muna kayo ni JC kasi aalis pa ako.’ Sabi ni Jake habang naglalakad sila sa hallway pababa.
‘Yeah, may aasikasuhin lang yan si Jake okay lang sa akin, basta kapag andito na yung sundo naming, see yah na lang.’ pabirong sabi ni JC sa kanilang new friend.
‘I’ll text manong na wag na akong hintayin.’ Sabi ni Jake
‘Okay I understand.’ Sagot naman ni JC sa kanya at humiwalay na si Jake sa grupo, tinahak nya yung sinasabi ni Josh na Gate 3 sa Bench.

Nang nakita na nya ang Gate 3, hinanap naman nya si Josh kasi almost Lunch break na, dun nalabas ang mga student kapag whole day class sila.
Sa ilang minutong kakahanap, narinig na lang nya may tumawag sa kanya.
‘Ready?’ sabi ni Josh
‘Basta you need to change me okay!’ sabi ni Jake kay Josh nang nasa labas na sila ng Campus.
Pumara ng Taxi si Josh, Unang pinuntahan namin Department Store,
Dun ko lang nalaman na magaling si Josh sa mixing and matching ng damit, tapos pinatanggal ni Josh yung glass ni Jake para mapansin ang kagwapuhan nya.
‘Shit ayoko sa nararamdaman ko!’ Mahinang banggit ni Josh at hindi naman yun narinig ni Jake.
‘Anything wrong?’ Pansin ni Jake sa kaibigan nya.
‘Nothing don’t mind it.’ Sabi na lang nya habang ang lakas ng tibok ng puso nya.
Habang nagala ang magkaibigan, hindi naman nila mapigilan ang mga pasulyap sulyap ng mga mata ng bawat isa.


*********************************

Habang naglalakad sila JC at Alec hindi na din maiwasan ni Alec ang magtanong.
‘So bakit wala pang Girlfriend ang brother mo?’ curious lang si Alec kasi ang daming pumopormang girls kay Jake, pero hindi nya ito pinapansin.
‘Hindi naman ganyan yun eh, ayoko munang magsalita ng tapos, mag iisang taon na nung nangyari yang conflict nya sa kanyang sarili.’ Kwento ni JC habang clueless naman si Alec sa sinasabi.
‘Hindi ganun? Mag iisang Taon? Ano yun paki explain mo nga sa akin?’ tanong nya kay JC pero napatingin lang si JC dito.
‘Interesado ka ba sa brother ko?’ tanong ni JC kay Alec at biglang napatigil silang dalawa sa hallway.
‘It’s not like that.’ Sabi lang ni Alec kay JC pero sa isip ni JC na iba yung meaning nun.
‘I know my brother a lot, kaya tell me are you in love with my brother? I am open naman kasi sa mga ganyan, but if you don’t want to open that issue, okay I will not forcing you to do that!’ sabi ni JC habang nasa hallway sila naglalakad.

*************************

Nang matapos na magsukat si Jake ay nakaramdam na ng gutom si Josh.
‘Dude, kain na tayo medyo gutom na ako e’ wika nito sa kanyang kaibigan.
Agad namang binili ni Jake ang mga damit, at naghanap na ng restaurant para kumain sila.
‘Dude, hindi tayo kakain sa resto, diba sabi mo gusto mong I orient kita sa other side of the world so sumama ka sakin at may kakainan tayong mas masarap pa sa isang resto’ wika ni Josh sa kanyang kaibigan at wala namang tanggi dito si Jake.
Lumabas sila ng mall nagtataka si Jake bakit sila Lumabas eh hindi pa naman sila tapos gumala, konting lakad sa gilid ng daan, at nakita nya ang isang maliit na kainan, hindi naman tumanggi si Jake.
‘Josh, mabubusog ba tayo here?’ tanong ni Jake habang natingin naman si Josh ng ulam.
‘Yep trust me’ sagot lang nito sa kanyang kaibigan, at nakapili na si Josh ng pagkain, dalawang Inasal at iced tea ang inorder nito, hindi makapaniwala sa mga nakikita ni Jake, madaming tao, karamihan mga taxi driver na kumakain, umupo sila malapit sa isang glass window, naghihintay ng kanilang inorder na pagkain, dumating ang Isang pitchel ng iced tea at napansin ni Jake na iba ang itsura ng nagseserved sa kanila.
‘hindi ka makapaniwala sa mga nakikita mo no?!’ pang asar na tanong ni Josh sa kanyang kaibigan.
‘yep, kasi kapag nakain kami nila mom sa resto, naka uniform ang mga tao dun, pero here, amazing’ manghang sambit ni Jake sa kanyang kaibigan.
Tinawanan lang ni Josh ang reaksyon ni Jake, pero nang makita nyang namula si Jake nawala nanaman sya sa kanyang ulirat.
‘Shit talaga, kinakabahan ako sa kanya kapag nakikita kong namumula sya at ngumingiti! Parang nasa ibabaw ako ng mga ulap kapag napapansin ko sya.’ Wari’y si Jake lang ang napapansin nya nung mga oras na yun nahalata naman ni Jake ang pag titig ni Josh sa kanya.
‘Is there’s something on my face para ngumiti ka dyan?’ sabi ni Jake at lumapit ang mukha nya kay Josh.
‘wa-wala!’ biglang nagulat si Josh sa ginawa ni Jake.
Dumating na ang kanilang order at kumain sila, napansin ni Jake na nagkakamay ito,
‘Dude, what’s your doing? So primitive ka naman!’ pansin ni Jake
‘In this place you can use your hand’ natatawang sagot ni Josh sa kanya.
‘Oh~! Is that so?’ biglang binaba ang spoon and fork at tinignan si Josh kung paano ginagawa yun.
Nagulat naman si Josh nang makita nyang nagkakamay si Jake, hindi na lang pinahalata na natatawa sya sa ginawa ni Jake.
Nang matapos na sila naghugas na sila ng kamay at bumalik na ulit sa mall, habang papasok na sa mall natanong ni Josh kay Jake kung pupunta sya sa party na inorganized ng SC nila.
‘Yep, I dunno kung bakit but I am excited!’ sabi na lang nya nang nakapasok sa loob ng mall.
‘Okay balik ulit tayo sa ating make over mo!’ energetic na sinabi ni Josh
Gumala ng gumala ang dalawa, nagpunta sila sa isang sikat na fashion shop, at tumingin ng babagay kay Jake, napansin naman nya yung buhok nito at sinabi na kailangan nang I make over pati buhok nya, wala namang naging reaksyon si Jake at pumunta sila sa isang Korean parlor pinaayos ang buhok ni Jake, nang matapos hindi na lang umimik si Josh dahil sa lumabas ang ka gwapuhan ni Jake, natapos ang araw nilang dalawa na kontento na si Jake.
‘ I will text manong then sabay ka na sa akin pauwi!’ sabi lang kay Josh at hindi na lang naka hindi sa kanyang kaibigan.
Dumating na ang sasakyan sa harap ng gate ng Mall, pumasok sila at inihatid muna si Josh, nasa isang exclusive subdivision nakatira si Josh at napansin naman yun ni Jake.
‘Josh why you know that place eh parehas lang ang status ng buhay natin?’ curious na tanong ni Jake habang papalapit na sila sa gate ng subdivision.
‘Let’s just say, hindi ako katulad mo, na medyo subsob sa school, I keep my coolness and kapag niyaya ka ng mga friends mo try to mingle them, hindi yung magiging kill joy ka sa kanila.’ Sagot ni Josh kay Jake.
Nang malapit na sila sa bahay ni Josh napansin nyang masaya siya, hindi na lang ito tinanong baka sabihin na kung ano ano pa, tahimik sila nang marating na nila ang bahay ni Josh, nag thank you naman si Josh sa paghatid ni Jake sa kanya.
‘So see you tomorrow, wash day tayo tomorrow so yung sinabi ko sayo ha! Gawin mo yun tomorrow para pagkaguluhan ka ng mga girls’ ang masayang sambit ni Josh kay Jake at ngumiti lang si Jake.
‘Parehas kayo ni Joyce no? smile lang ng smile, hindi ba kayo nangangawit sa pag ngiti?’ birong tanong ni Josh sa kaibigan nya.
‘I have no reaction kasi e, and ang kulit mo kaya pano ako makakapag isip ng sasabihin sayo?’ sagot ni Jake sa kanyang kaibigan.
‘Okay I understand pero bukas I am sure dadami ang ngingitian mo!’ sabi ni Josh.
‘Okay I will prepare for it! Sige late na alis na ako, goodnight Josh!’ umalis na ang sasakyan ni Jake at pumasok na din si Josh sa kanilang Bahay.
Naging maganda ang araw ni Jake sa first day of his semester.
Pag uwi sa bahay nagpatulong sa kanilang maid na dalhin ang kanyang mga pinamili at napansin nya si Joyce na nakatingin sa mga bags na pumapasok, pagpasok ni Jake sa bahay nila napansin din ni Joyce ang kanyang new hairstyle.
‘Nice hairstyle brother! Sana bumalik na ang pagiging makulit mo, ano naging masaya ba ang pag ‘Date’ nyo ni Josh?' Biro ni Joyce sa kanyang kapatid.
‘Date?’ tanong nito kay Joyce.
‘Don’t mind it! Sige andyan na si mom, kakain na tayo magbihis ka na’ sabi ni Joyce at pumunta na ito sa Dining room nila.

Umakyat na si Jake at binaba ang Bag nyang dala, nagshower na sya at nagbihis ng kanyang favorite outfit, white shirt at walking short. Bumaba na sya at pumunta sa dining room, pagpasok nakita sya ng mom nya, kinamusta naman ito kung kamusta silang dalawa sa first day ng schooling nila.
‘Were okay both, we have two friends and Jake is not that silent guy anymore, andito ako nangungulit sa kanya kaya hindi na sya yung nerd type na tao!’ sabi ni Joyce habang nakain si Jake.

Alam naman ng mom nya na hindi na mag rereact si Jake sa sinasabi ng kanyang kapatid, kaya naisipan nyang tignan lang si Joyce kapag nagkukwento.
Natapos na silang kumain at umakyat na si Jake sa kanyang kwarto at nagpahinga na ito.
Pag gising sa umaga punta na sya sa CR at nag morning ritual, pagkatapos nun ay napansin nyang maaga din si Joyce nakapangtulog pa silang dalawa kaya natanong sila ng mom nila.
‘No classes?’ tanong ng mom nya habang nag kakape.
‘Later mom, si Jake alam kong 1pm pa ang class nya kasi tapos na nya yung pinapasok ko, advance class na yan e.’ sabi ni Joyce sa kanyang mom, at nag make face sya kay Jake.
‘Okay I will go now, may aayusin pa akong papers, Ingat kayong dalawa sa pagpasok.’ Bilin ng mom nila at umalis na ito sa dining table.
‘Okay mom!’ sabi nilang dalawa.
Kumakain sila ng sabay at natapos na ang kanilang kinakain, lumabas muna sila at nilabas ang kanilang mga aso para makapag lakad lakad sa kanilang subdivision, nagpalit sila ng damit at kinuha yung dalawang syberian husky na sila skyler at stryker, binuksan ang gate at naglalakad ang dalawa, tahimik ang paligid parang walang tao sa kanila, at tinanong ni Jake si Joyce.
‘I just realize na hindi dapat ako magtago sa shadow of my past, madami palang good things na nasa akin na, kaso hindi ko sila napapansin.’ Sabi ni Jake habang hinihila sya ng kanyang asong si stryker.
‘I know na sasabihin mo yan, kala ko ba nakapag move on ka na sa nangyaring pang iiwan sayo ng girlfriend mo? At ano ba ang sabi ko sayo? She deserve na lumayo kaysa makita ka pa, ayaw ka din nyang masaktan, ikaw kasi ano bang nasa isip mo nun?’ sabi ni Joyce habang naglalakad sila.
‘Uhm, maybe this is the time na mag open na ako sayo Joyce, nung mga oras nay un wala talaga akong gusto kay Erica actually I think she’s my bestfriend lang, wala nang other aspects dun’ sabi ni jake.
‘And I know kung sino ang gusto mo nun, si Andrei ba? The basketball player turn to be your bestfriend and ikaw na ang lumayo para sa inyong pagkakaibigan?’ sabi ni Joyce sa kanyang kapatid.
Gulat na narinig nya sa kanyang kapatid, hindi na lang sya nakasagot agad, alam pala nya ang secret nito.
‘How did you know si Andrei?’ tanong ni Jake.
‘Let’s say na cheerleader ako nung mga panahon na magkaibigan kayo ni Andrei’ sabi ni joyce at hindi makapaniwala si Jake sa narinig nya.
‘Pano mong nalaman na may pagtingin ako kay Andrei? I know wala ka naman sa training nun ah, you and your rumored boyfriend ang kasama mo nun ah!’ sabi ni Jake na may konting Exaggerated feelings.
‘Ang sinasabi nilang Rumored Boyfriend ko ay walang iba kungdi si Andrei, alam mo kasi ikaw hindi ka nagtatanong sa akin at first of all hindi ko sya boyfriend he’s my close friend, naglalabas yun ng problems between you and him, kapag napapansin ka nyang iniiwasan mo sya, ako tinatanong nun, pero I always say sa kanya na talk to him, hindi ko hawak ang decision ni Jake’ paliwanag ni Joyce nang marating nila yung Park.
‘Bakit kasi ikaw ang lumayo sa kanya? I think he’s interested on you’ dagdag pa ni Joyce sa kanya.
‘Kasi alam mo na we’re both guys, at nung naramdaman kong iba na pagtingin ko kay Andrei, I keep distance para na sa kapakanan nya at sa aking reputation bilang SC President.’ Sabi ni jake at dun biglang binago ang topic pansin agad yun ni Joyce.
‘Hey Joyce aatend ka ba sa SC get together party sa School? Invited ang lahat ng Freshmen at mga Organization Officers e, diba last semester Organization Officer ka?’ yayang tanong ni Jake sa kanyang kapatid.
‘Hanggang ngayon pa naman e, Organization Officer pa din ako, kaya wala akong magagawa para humindi, ikaw ang dapat tanungin ng mga ganyang bagay kasi alam kong hindi ka nagpupunta sa mga ganyang activities, school-house ang routine mo lagi, ano wanna go? I will get your ticket para may kasama naman ako, I’m sure yung dalawang makulit nating kaibigan andun din.’ Natatawang banggit ni Joyce habang nakaupo sila sa bench.
‘Oo nga, yung dalawang makulit, heh heh’ ngiting sagot sa kanyang kapatid.
‘Ano uwi na tayo, Need ko pang mag review sa advance class ko, at ikaw pumasok ka na ng maaga, kasi nakapasa na ako dyan sa class mo ngayon, tapos wash day daw ngayon sabi ni Josh sa akin kaya mamaya check mo na lang porma ko!’ sabi ni Jake na medyo excited pumasok.
Sabay nang umuwi sila kasama nila ang kanilang mga aso, nang may nabunggo si Jake na isang lalake at nainis ito, tumahol ang aso nyang si stryker na parang kilala nya yung tao na yun.
‘Ahm, pardon me sir, I don’t wan’t to bump you and sorry for my dog he’s acting crazy!’ sabi lang ni Jake nang humarap sa kanilang dalawa ni Joyce parang multo sa kanyang paningin, napatigil ito, naging tuod, hindi alam kung ano ang gagawin, si Joyce naman ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
(to be Continue)

Tuesday, October 11, 2011

Kung Kaya ko lang! (part 1) By: Soul of Tears

Hello everyone! I am Soul and I like to share up with you my story of mine,
hope you like it!
Comments and Any Suggestion are welcome.

This is the story of a boy that defines many things, he’s curiosity lead him to deeper part of his self, but he is not so sure what to do, but suddenly biglang nagbago ang ikot ng kanyang buhay nang may nakilala syang guy, see what happen and who is the guy that change his personality.

*****************************************************************

Naka-upo lang sa kanyang study table, at nag muni-muni, huminga ng malalim parang wala sa mundo ang kanyang isip, tingin ng tingin sa kanyang relo at parang may hinihintay, nang bumukas ang pinto nya ay tinignan nya kung sino ang pumasok, at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

‘Jake come down we’ll eat na.’ bangit ng kanyang kapatid na babae.
‘Uhm, sunod na lang ako sis.’ Malamlam na sagot nito.
‘Do you have problem? Ang lalim kasi ng iniisip mo Jake.’ Pag alalang sagot ng kapatid nya.
‘Nah, don’t mind me, sabay na ako pababa, let’s eat na lang bago mawalan pa ako ng gana.’ At ngumiti na lang ang kapatid nya.

Si Jacob Christopher Yap also known as Jake may kapatid sya na kakambal nyang babae na si Joyce Christine Yap also known as JC, simula pa lang naiintindihan na ni JC ang situation si Jake kaso ayaw nyang unahan ito, hinahayaan na lang nya ito para kausapin sya, Jake is the next inheritor of his family business, kaya wala itong kaibigan, when they go to school they are different although si Jake masasabi na nating boy-next-door ang appeal, ganun naman din ang kapatid nya kaso Friendly naman siya kaysa kay Jake, pagkababa ng sasakyan ay sabay na pumasok sa gate ng University.

Sanay na si Jake kay JC kapag nag kukwento to, even though hindi sya interested sa mga topics, hinayaan lang nya ang kanyang sister na magkwento, umakyat muna ang dalawa sa pantry at bumili ng pastries at chocolate drink.
‘Jake, is there something bothering you? Kanina ka pa tahimik.’ Pansin ni JC sa kanya.
‘JC, this is usual to me, magulat ka kapag ako na nangulit sa’yo,’ Biro ni Jake sa kanyang kapatid habang nakain ng bread ang dalawa.

Nasa 1st year pa lang ang dalawa, katatapos lang ng semestral break nila so third semester na ang pinapasok nila here.
Si JC ay napalayo sa kanyang mga girlfriends dahil napalipat sya ng section, nakasama na nya ang kanyang kambal, Bus.Ad01-02 yan na ang magiging section nya hanggang sa matapos ang semester. Naging kalmado lang naman ang pagpasok ni Jake sa room, kasi same set of classmates lang naman ang nakikita nya, except for his sister.

8am ang first class nila umupo na silang dalawa, madaming natingin, at naiilang si Jake sa mga classmate nya.
‘Gosh! Parang may nakitang artista ah!’ pabiro ni JC sa kanyang kapatid.
‘Duh, ikaw lang ang bago here, kaya pinagtitinginan ka nila!’ sinabi sa kanyang kapatid at naglabas na ng index para sa pagdating ng kanilang professor ay hindi na sya magsusulat.
‘Jake you’re so nerd! Tama nga sinabi ng mga Girlfriends ko, mga “Stalker” mo! Haha’ mahinang binabanggit ni JC yun at napangiti lang si Jake.
‘shut up JC, I don’t have time to talk to them so I just ignored them, paki sabi na lang na sorry but my mind and heart nakadikit na sa books and notes.’ Biro ni Jake habang nagsusulat sa index card.
‘marunong ka palang magbiro?!’ pansin ni JC sa kanya.
‘uhm, because you’re here my sister slash bestfriend slash girlfriend.’ Sinabi nya at napangiti naman si JC sa kanya, nag ring na ang bell at inayos na nila ang mga sarili para sa pagdating ng kanilang Professor.

Pagpasok ng kanilang Professor sa Business law ay nagpakilala agad ito.
‘Class my name is Ralph Sy, and I am your Professor this semester in Business law’ Professional ang kanyang attitude so madaling nagustuhan sya ng buong section,
‘Could you bring out index card then write your name and your contact number and email, minsan kasi class may mga topics tayo na ipapadala ko sa email nyo and I will inform you all kung napadala ko na.’ sabi nya habang inaayos ang kanyang mga gamit sa table nya.
‘Cool!’ sabi ni JC sa professor nila.
‘JC give this to our professor, andyan na din yung sa’yo!’ utos ni Jake kay JC at agad namang kinuha at inilagay sa table ng professor nila.
‘So I think everyone is finished already, bring it to me, and I will pick ten then introduce yourself here.’ Sabi nya habang tinitignan nya ang kanyang class.

At kumuha na ng ilang index ang kanilang professor, at nauna si Jake magpakilala, napatingin naman sya sa mga classmates nya kasi it’s their first time na maririnig syang magsasalita sa harap ng class nila, last semester kasi ay hindi nya ‘trip’ ang makipag mingle sa kanilang class activity, all ears na lahat sila.

‘Good Morning, my name is Jacob Christopher Yap’ nauutal nyang sinabi, madami namang girls ang namumula kasi sa cuteness ni Jake.
‘But you can call me Jake, I am 17, and I have a twin sister, that’s all!’ umalis na sya at umupo na ulit.
‘Okay thanks for introducing Jake, next is Joyce!’ banggit pa lang sa pangalan ni JC ay nagtinginan naman ang mga boys sa kanya, girl-next-door ang appeal ni JC magkahawig talaga si Jake at JC pero they have different personality.

Energetic si JC at nang nasa aisle na sya, agad naman ito nakuha ang crowd.
‘Good Morning I’m Joyce Christine Yap, 17 years old, and you can call me JC, twin brother ko si Jake, hope I will meet new group of friends here!’ kinilig naman ang mga boys sa kanya then umupo na din sya katabi ang kanyang kapatid.
‘Phew! Kala ko mahirap makuha ang atensyon nila!’ sabi nya sa kanyang kapatid.

At natapos na ang kanilang first subject, lumabas si jake para sa advance class nya, pero si JC naman ay naiwan sa cafeteria at mag isang kumakain, umakyat na si Jake papunta sa locker nya nang may nakita syang isang card.
Good morning Cute!
Kahit nagsusuplado ka, ang cute mo pa din,
Kahit ‘Nerd’ ang tawag sa’yo ng iba,
Para sa akin ikaw pa din ang pinaka cute na nakita ko.
I miss your smile, and I wish na makilala kita ng lubos para pasiyahin ka!
‘Unknown...’ nagtataka at hindi makapaniwala si Jake sa kanyang nabasa, may nagkaka crush sa kanya.
Lumingon sya sa kanan at bumaling ang mga mata sa isang taong nasa study table sa dulo, pero sinasabi nya sa kanyang sarili na ‘imposible’ kasi guy yung naka upo sa may study table, nagsusulat ng notes, at tumingin naman sya sa kanan, nakita nya yung professor nila sa Business Law, si sir ralph, ngumiti lang ito kay Jake at may ibang kaba ang naramdaman ni Jake dito.

Si Ralph Sy, matangkad ng konti kay Jake at mas maputi ito ng konti, maganda ang hubog ng ilog, manipis at mapulang labi, mga matang nakaka tuod kapag ika’y natignan nito, at ang boses na parang sinusuyo ka.
Nasa early 20’s pa naman si Ralph, kaya madali syang pansinin ng mga student especially the girls and the in between.

May mga close friend na din naman syang mga student, Alumnus si Ralph sa school ni Jake so medyo kilala nya ang mga professor dito and administration personel. Natapos nya ang kanyang course na Business Education at nakapasa sa Board at ngayon, nagmamasteral sya para sa kanyang next exam.

Narinig na ni Jake ang Ring kaya kinuha na nya ang kanyang gamit, ipinasok yung card na kanina pa nya hawak, at tumakbo na sa room ka hilera ng mga lockers, pagpasok dito dun nya nakita si Ralph, kala ni Jake na Professor nila ito pero hindi pala, dahil sa master’s degree na pinasok ni Ralph pati tong subject na Economic feasibility kinuha nya.
Si Jake ay nag advance ng Economic Feasibility dahil natapos na nya ang mga pre requisite para dito, kaya ang mga classmates nya dito ay mga 3rd year na at may konting 4th year din.
Pumasok ito, at umupo sa last row, yun kasi ang favorite spot nya, hindi sya pinapansin at minsan lang sya sumagot sa kanilang activities.

‘Can I share a seat?’ sabi ng isang pamilyar na boses.
‘Sir ralph?!’ gulat na sagot ni Jake at umupo sya sa tabi nito.
‘Advance Class?’ tanong ni Sir Ralph kay Jake.
‘uhm, opo!’ sagot lang nito.
‘I see you’re straight forward sa mga sagot ah! Haha!’ natatawang sabi ni Sir Ralph habang wala pa ang kanilang professor.
‘Narinig ko kanina, sa faculty na PHD ang professor nito, kaya be more accurate sa mga sagot.’ Pabulong na sinabi ni Sir Ralph kay Jake.
‘I can handle it, kaya ko nga ako nag advance para hindi ko na kunin sa third year ko.’ Sabi ni Jake kay Sir Ralph.
‘uhm, Jake right? Can we be friends? I share my knowledge to you and you could be my little brother, if it’s alright with you?’ tanong ni Sir Ralph kay Jake.
‘Lemme’ think about it, Sir Ralph kasi hindi naman ako open na tao e.’ sagot nya sa kanyang Sir.
‘I will wait.’ At ngumiti ito kay Jake at hindi nanaman nakaimik si Jake parang kinabahan ulit sya sa mga sandaling iyon.

Pumasok na ang kanilang Professor at napansin nya na medyo strict ito when it comes sa mga report and projects, pati refresher nila mahigpit din sya, kaya tahimik na nakikinig ang dalawa hanggang sa natapos na ang class nila.

‘Phew! That was incredibly crazy time!!’ sabi ni Sir Ralph kay Jake na may Pagka sarkastiko.
‘Uhm, Sir-‘ pinutol ni Sir Ralph ang sasabihin ni Jake.
‘Pag wala na ako sa Class ng Business Law, Kuya na lang or Rap Rap.’ Nakangiting sabi nito kay Jake.
Sumabay na si Ralph kay Jake kasi malapit lang ang faculty sa locker area, at nang makapunta na sa locker area, may napansin ulit si Jake, agad namang kinuha yun ni Ralph.
‘Stalker?’ tanong lang ni Ralph.
‘I dunno!’ sagot lang ni Jake dito.
‘Okay, I will go now, baka hindi pa ako makagawa ng topics sa next class ko e.’ paalis na sabi ni Sir Ralph
‘Okay..’ sagot lang ni Jake sa kanya.
Nagtext ang kanyang kapatid kung nasan na sya kasi may ipapakilala sya sa kanya, nagreply naman si Jake na sabing pababa na sya ng 4th floor, hindi naman nagmamadali si Jake kasi wala naman silang next class ng kapatid nya.
‘Jake 2 hours akong nakatambay, pumasok na mga kaibigan ko, from other section, so c’mon let’s go to cafeteria and by the way, I want you to meet Josh.
Lumabas sa likuran ni JC at napansin ko naman, nakangiti ito at ibinigay ang kanyang kamay.
‘Joshua Tan and you are-?’
‘Jake!’
‘Nice meeting you Jake!’
‘Uhm, Josh wanna go with us? Me and my brother are going to Cafeteria and hang out there, hinatayin lang naming yung last class namin e.’ sabi ni JC at tumango naman si Josh at tumingin sa akin.
‘What’s the matter?’ tanong ni Jake kay Josh
‘It’s True nga ang speculations, you two are twin na walang tapon! Hah hah!!’ makulit na banggit ni Josh sa kanila
‘Uhm, sorry what’s that mean?’ sabi ni Jake halatang hindi na catch up ang grammar ni Josh.
‘Jake I will explain to you, the speculations in this campus to us said that we’ve good looking twins.’ Explain ni JC kay Jake habang si Josh naman ay kasabay na nilang naglalakad.
‘Oh~ okay heh heh!!’ mahinang tawa ni Jake na parang ngayon lang syang nagkaroon ng kaibigan na may medyo palingkero ang mga sinasabi.
‘Sorry I thought you can understand that.’ Sabi ni Josh
‘It’s okay! No worries to that, and sorry for being straight forward!’ sabi naman ni Jake habang naakyat sila patungong Cafeteria.
‘So, we’re friends?’ sabi ni Josh kay Jake at JC
‘Yep! Pleasure to be your friend, Josh!’ sabi ni JC kay Josh
‘Me too, Josh would you give me a favor?’ sabi ni Jake
‘what is it? Anything wag lang money hah hah..’ biro nit okay Jake.

Umupo na sila sa vacant place sa cafeteria, at dinala na ang mga food na binili nila.
‘Jake what do you want?’ naalalang sinabi ni Josh kay Jake.
‘Could you Orient me to the people around us?’ sabi ni Jake.
Malalim ang meaning nun ay na catch up pa rin ni Josh what Jake was trying to say.
‘My Gosh! Did my ear just went malfunction or what?!’ pang asar ni JC sa kanyang kapatid.
‘Sige, I will be your tour guide okay, just seat back and relax, kelan ba ito magsisimula?’ banat ni Josh sa new friend nyang si Jake at natatawa naman si JC sa ginagawa ni Josh.
‘Now! After Class!’ sabi ni Jake na may halong pagka Boss.
Muntik nang ibuga ni Josh ang iniinom na juice at natahimik ang kambal ni Jake na si JC.
‘Why may nasabi ba akong hindi kaaya-aya?’ sabi ni Jake.
‘wa-wala naman’ sabi ni Josh habang nililinis nya ang kanyang polo.
‘So, what do you mean Jake, hindi ka magpapasundo kay Manong?’ pag alalang tanong ni JC kay Jake.
‘Yep, I will try what they say Commute.’ Sabay ngiti sya.
Natigilan si Josh nung ngumiti si Jake, biglang nawala sya sa mundo ng ilang seconds.

‘Hey Josh still with us?’

(To Be Continued)